Audistas,

Let’s congratulate the Couple of the Month on this February, Hagnaya and Hondagua! Check out their kilig love story below:

“How long have you been playing ANL as a couple?”

17 months

“Tell us your LOVE Story”

*Walang nakakakilala sa amin gaano kasi hindi naman kami famous. πŸ˜… So eto na nga, nagkakilala kami sa Audi noong 2020 lang. Nagbalik audi ako kasi nagkaroon ng pandemic, so tigil lahat, pati trabaho kasi nga naglockdown. That year din siya nagbalik sa paglalaro. Masyado pa akong friendly that time maglaro, kahit first time ko makalaro kinakausap ko HAHAHA. So ayun nga etong si Kuya niyo tahimik, kasama niya mga ka-fam niya. Naalala ko binilin siya sakin ng kasama niya kasi aalis at wala na siyang makakalaro, edi ako naman si Ms. Friendly laro laro kami πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ That time may couple ako. Naging mag friends kami na tipong kapag nagla-log in ako sa audi parang inaabangan ko siya kung mag oonline ba siya. πŸ˜‚ Kahit magkaiba kaming room nagkaka-pm kami, hanggang sa lumalim na yung friendship tapos parang may something na. Hahaha πŸ˜‚ That time may in-game couple ako, humantong pa sa point na gumawa ako ng 2nd account para maging mag-couple kami. Pero syempre ayun nga, dahil mas matimbang siya dahil mas madalas ko siya naging kalaro inisplit ko yung ring namin nung previous couple ko. Tapos nag-couple kami sa main account. 🀍 Syempre may nagalit (Nakasakit ng iba si Atwi niyo) πŸ˜… Yung relasyon namin hindi na lang siya basta in-game na lang. So naging kami din in real, afraid pa ako kasi magmi-meet up, baka kako kapag nakita ako ni Kuya niyo e bigla akong i-ghost (sobrang nilalait ko kasi sarili ko) HAHAHA. Pero ayun, buti naman at hindi. Galing kami pareho sa mahabang past relationship. Ako 10 years, ganon din siya sa past relationship niya. Pero relate ako dun sa sinasabi ng iba na wala sa haba ng pinagsamahan niyo ng past niyo kung magiging kayo ba talaga hanggang dulo. Yung ibang story namin is kakaiba. Pero hindi ko na ikukwento kasi napakapersonal na non. Pero simula nung nagkakilala kami madaming nangyari, madaming pagsubok, madaming may ayaw, madaming tumutol. Kahit ganunpaman, inilaban ko, inilaban niya din ako. Hanggang ngayon lumalaban pa din kami sa mga pagsubok. Hanggang ngayon kami pa din. Thankful din ako kasi napakabuti ng Kuya niyo, napagtyatyagaan niya ang kaartehan at pagiging iyakin ko. Sa kanya ko naramdaman yung “worth” na hindi ko naramdaman noon. Lalong lalo na nung nagkaroon kami ng anak. Sa ngayon pareho kaming naga-adjust kasi firsttime parents kami. 🀍 Parehas namin pinangarap na magkaroon ng baby, at ayun na nga at natupad. To my Hanii, I love you. Alam kong nakakabwisit ako palagi, pero okay lang yan kasi sino pa ba bubwisitin ko kundi ikaw lang naman. Sorry kung minsan nape-pressure ka sakin, sa mga talak ko. Salamat sa pag aalaga samin ni baby. Wag ka magsawa. Mahal na mahal kita. 😘😘 Your mermaid na hamster, Numy

Do you want to be featured next? Fill up this form now~ Link

Join our Community here: